Maayos na mga drainage canal, panawagan ng DOH Cam. Sur VS Leptospirosis at Dengue

NAGA CITY – Paisa-isa ang nagiging kaso sa Camarines Sur ng leptospirosis maging ng dengue.

Ito ay ayon kay Dr. Rey Millena, Department of Health Cam. Sur Head. Pero Hindi inaalis ang posibilidad ng pagdami pa ng kaso lalo na’t karamihan ng bayan ay mga nasa low lying area na madaling bahain.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Kaya naman, ang magkaroon sana ng maayos na drainage canal, ang naging panawagan nito sa mga Lokal na Pamahalaan upang makaagos ng maayos ang tubig, pati ang maayos na waste segregation, kapag maraming basura posibleng marami ding daga na galing mismo sa dumi nito ang sakit na leptospirosis na kung lumala at hindi maagapan maaaring ikamatay.

Mainam pa rin na pagkatapos na lumubog sa tubig baha o magtampisaw magbanlaw ng maagi, kung makaranas man ng lagnat, pa­nginginig, pamumula ng mata, at ilan pa, mabuti pa ring magpatingin kaagad sa Doktor.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Dagdag pa ng opisyal na ang pagtiyak na sapat ang gamot para rito maging iba pa, ay responsibilidad din bawat LGU bilang panlaban at kaligtasan ng bawat residente nila.