Maayos na family planning sa Camarines Sur, posibleng solusyon sa kahirapan -private group

CAMARINES SUR – Isa sa mga nakikitang solusyon ng pribadong grupo na Family Planning Organization of the Philippines Camarines Sur sa labis na kahirapan ay ang pagkakaroon ng maayos na family planning sa bawat bayan ng probinsya.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Zheryl Zamora, Program Manager ng FPOP Camarines Sur Chapter, sinabi nito na isang pangunang hakbang sa pagtugon sa kahirapan ang pagkakaroon ng maayos na pagpaplano sa pagpapamilya. Sa paraang ito, napag-aaralan at napapag-isipan ng magkapareha kung anong mga hakbang ang kanilang gagawin upang hindi sila mahirapan sa hinaharap at hindi rin maisaalang-alang ang kinabukasan ng kanilang magiging anak. Maliban sa pagbibigay kaalaman sa family planning, pinapalakas rin nila ang pagkakaroon ng kaalaman ng publiko sa Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immunodeficiency Syndrome upang mabawasan ang kaso nito.  

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Napag-alaman na ilang bayan na rin sa Camarines Sur ang napuntahan nila upang magsagawa ng mga seminar patungkol sa family planning at HIV/ADIS. Ilan sa mga ito ay ang bayan ng Balatan, Siruma, Magarao, Buhi, Camaligan, Milaor, Caramoan, Sagñay, Pili, Pasacao at Libmanan. Maging ang mga tagong barangay ng Naga City at Iriga City ay pinuntahan din nila para makapagbigay ng impormasyon sa mga residente.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Sa ngayon, wala pang nakaabang na mga aktibidad ang organisasyon ngunit hinihikayat nila ang publiko na makiisa at makipagtulungan sa kanila upang maabot ang mga komunidad na nangangailangan ng tamang impormasyon na hindi na naaabot ng gobyerno.