Mga armadong grupo, hinihikayat na sumuko- PNP

NAGA CITY –Maituturing na tagumpay sa panig ng pulisya at ng mga sundalo ng pamahalaan ang panawagan nila dahil sa naitatalang pagsuko ng mga miyembro ng armadong grupo, pinakahuli si alyas “Junior” ng Camarines Sur na sumuko noong Martes ng gabi sa  2nd PMFC Headquarters, Brgy. Caraycayon, Tigaon, Camarines Sur.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay P/Capt.Sheralyn Samonte, Public Information Officer ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nitong ang pagsuko ni “Junior” ay joint effort ng mga pulis at ng mga sundalo na ayon sa kanya ay matagal ding kaanib sa kilusan at ngayon ay nag desisyon ng sumuko para makapiling ang pamilya.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Isinuko rin nito ang isang unit Beretta 9mm caliber pistol, mga bala at iba pang gamit. Binigyan ng paunang financial assistance na nagkakahalaga ng 10 libong piso sa mula kay P/COL Virgilio Olalia Jr.; Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office.