Inihayag ng Department of Health (DOH) na malapit ng maabot ng Pilipinas ang 5% COVID-19 positivity rate benchmark ng World Health Organization (WHO).
Sa ngayon ay nasa 4.1% na ang naturang posivity rate kung saan patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 kada araw sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nanatili ang Pilipinas sa low Risk classification na may less than 1 per 100,000 daily attack rate.
Samantala, sinabi niya na umabot na sa 4,976 ang mga bagong kaso ng nasabing sakit mula June 21 hanggang 27 ngayong taon. (ARGIE ERGINA)