Inihayag ng Department of Health (DOH) na posibleng umakyat sa 22,187 ang daily Covid cases sa katapusan ng Hulyo.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ilan sa maaaring maging sanhi nito ay vaccine effectiveness, public mobility at impeksyon mula sa ibang bansa.

Aniya, mangyayari ito kung hindi itutuloy ng publiko ang minimum health standards na ipinatutupad sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ng DOH na malapit ng magkaroon ng booster shot ang mga kabataan edad 12 hanggang 17. (ARGIE ERGINA)