NAGA CITY- Masayang ibinalita ngayon ng lokal na pahamalaan ng Naga na ang lungsod ay magiging huwaran ng iba pang mga LGUs pagdating sa programang may kinalaman sa nutrisyon.
Kasabay ng isinagawang turn over ng mga TLC Equipment, kinilala ng National Nutrition Council Regional Office 5 at ng Save the Children Philippines ang lungsod ng Naga bilang Training and Learning Center o TLC for nutrition governance.
Ang pagkilalang ito ay nangangahulugan na magiging learning hub o maaring pag-aralan o tularan ng ibang mga lokal na pamahalaan ang mga aktibidad o programa ng lungsod patungkol sa nutrisyon.
Kasama din sa aktibidad ang pagpakilala sa First 1000 Days o F1KD Ordinance kung saan nakapaloob ang mga guidelines patungkol sa RA 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon Magnanay Act.
Sa iprenesentang datus ng City Population and Nutrition Office, bumaba ng 1.33% ang bilang ng mga underweight sa lungsod ngayong taon.
Nakapagtala ng 299 na mga bata edad lima pababa ang underweight sa lungsod. Ang nasabing bilang ay mababa kung ikukumpara noon 2020 na nakapagtala ng 317 na mga batang underweight sa parehong edad.
