Dengue cases sa Camarines Sur malaki ang ibinaba subalit kasong 170 pinakamataas sa Bicol

NAGA CITY- 170 ang Dengue cases sa Camarines Sur mula Enero hanggang Hulyo 2021. Higit ma mas mababa kumpara sa 605 noong 2020.

Ito ay base sa record ng Department of Health Bicol. Malaki man ang ibinaba, ang lalawigan naman ang may pinakamataas kung ikukumpara sa ibang mga probinsya sa Bicol.  Sumunod ang Camarines Norte na may 97, 61 naman sa Catanduanes, 31 sa Sorosogon, 24 sa Masbate at 20 sa Albay. 404 cases sa Bicol hanggang nitong July 2021 malayo sa 1, 263 noong 2020.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nang matanong ng BNFM Naga si Dengue Regional Coordinator Dr. Val Bachiller kung maiuugnay dito ang pandemya, sinabi nitong maaaring ang mas madalas na pananatili sa bahay ay daan upang mas mapansin ang mag dapat na linisin.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Patuloy ang kampanya ng DOH laban sa dengue virus , pinag-iingat ang publiko lalo pa ngayong tag-ulan.