Arestado ang isang High Value Target (HVT) individual sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad kaninang alas-12 ng madaling araw, November 29, 2021 sa Purok 7, Brgy District 1, Cauayan City Isabela.
Kinilala ang suspek na si Ernesto Ogoy, 49 anyos, at residente ng Brgy Bustamante, Luna, Isabela.
Isinagawa ang naturang operasyon ng magkatuwang na pwersa ng PNP Cauayan, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU),Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Regional Group on Special Concern (RGSC) at PDEA Region 2.
Positibo umanong nabili kay Ogoy ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Habang nakumpiska rin sa kaniya ang dalawa pang piraso ng pakete na naglalamn din ng pinaniniwalaang shabu.
Tinatayang may timbang na 60 grams ang mga nakuhang iligal na droga sa supek na may DDB value na 720,000 pesos.
Maliban dito ay nakuha rin kay Ogoy ang isang genuine 1, 000 pesos bill at 5 na 1,000 boodle money, isang kalibre 38 na baril na kargado ng 3 bala; cellphone; wallet, pera na nagkakahalaga ng 422 pesos, ID cards at motorsiklo.
Samantala, sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa suspek, aminado naman itong gumagamit ng iligal na droga subalit itinangging sa kaniya ang mga nakumpiskang kontra banda.
Hindi rin umano sa kaniya ang baril na nakuha sa tool box ng kaniyang motorsiklo.
Ayon pa sa kaniya, aabot lang sa 500 pesos ang halaga ng binibiling shabu at wala siyang malaking halaga ng pera para bumili ng ganoong karaming droga.
Dinala na si Ogoy sa himpilan ng PNP Cauayan para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.