LTO-Sorsogon, nakapagrehistro ng mahigit 5K behikulo sa buwan ng Enero; koleksyon mataas din

SORSOGON CITY – Umaabot na sa mahigit  5K mga behikulo ang nagparehistro sa Land Transportation Office (LTO) sa buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Sa pahayag ng Provincial Chief na si Grace Rojas, sinabi nito na ang nasabing bilang ay kinabibilangan ng mga tricycle, UV Express, trucks, buses, private o for hire.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Samantala, kinumpirma ng opisyal na mataas din ang kanilang koleksyon sa nakaraang taon kung saan mula January hanggang December 2021 ay umabot na sa mahigit P72M  ang kanilang nakolekta at kanila umanong inaasahan na mas tataas pa ito ngayong taon.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending