LTO, nakapagtala ng mahigit 10,000 traffic violators sa NCR sa unang quarter ng taon

Natiketan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang nasa mahigit 10,000 pasaway na mga motorista sa unang quarter ng 2024.

Mas mataas ito kumpara sa mahigit 3000 na nahuli sa kaparehong panahon noong 2023.

Ayon sa LTO-NCR, nagbunga ito ng P26 milyon na kita sa gobyerno.

Mula sa bilang ng mga natiketan, halos 5000 ang mga motoristang nahuli sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.

Kabilang dito ang 764 kaso ng unregistered motor vehicles, sa ilalim ng ‘No Registration, No Travel’ policy.

Nasa mahigit 1,000 naman ang nahuli sa pagmamaneho ng may mga depektibong accessories, devices, o equipment.

Kabilang pa sa violation ang mga sumusunod:

Pagmamaneho ng naka-tsinelas (699), walang dalang OR/CR (556), reckless driving (378), pagmamaneho ng walang lisensya (221), disregarding traffic signs (139), at obstruction (124).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *