LTO nagbabala sa mga kolorum na school service naghahatid ng mga estudyante

NAGA CITY- Nagbabala ang Land Transportation Office laban sa mga kolorum na sasakyang na naghahatid ng mga estudyante.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Eric Torrecampo , Chief ng LTO Pili Office , sinabi nitong nakabantay ang kanilang mga personahe sa mga kalsada alang-alang sa kaligtasan ng mga mag-aaral. 

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang mga magulang naman aniya dapat kilatisin ang mag dokumento ng service na kukunin.  Kung walang lisensya, hindi dumaan sa seminar sa defensive driving ang driver , dapat ding may rehistro’t prangkisa  ang sasakyan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Una nang sinabi ni  LTFRB Executive director Roberto Peig, napadelikadong gamitin ang mga kolorum na bus dahil hindi sumailalim ang mga ito sa pagsusuri ng LTFRB na posibleng magdulot ng peligro sa mga pasahero.