LTO Bicol namahagi ng ayuda kasabay ng paalala sa mga namamasadang tsuper sa lungsod ng Legazpi

BICOL—Ipinakalat ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang kanilang mga tauhan sa mga lansangan sa lungsod ng Legazpi hindi upang manghuli kundi para mamahagi ng ayuda sa mga driver na namamasada.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Eleazar Renovalles, Assistant Chief ng Operations Division ng LTO Bicol inihayag nitong bahagi ito ng programang “Oplan rehistrado, lisensyado at disiplinadong driver.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Layunin umano nilang matiyak ang kaligtasan ng mga sasakyang ipinapasada para sa pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng pagsisisurong ang mga sasakyan ay rehistrado at ang mga driver ay lisensyado at disiplinado.

Kasabay ng pagpapaalala sa mga tsuper ay namamahagi ang kanilang team na tinawag na “Ayuda sa mga namamasada” ng mga goods gaya ng noodles, de lata at mga hygiene kits na anya kailangan ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Paglilinaw ni Renovalles, hindi sila nanghuhuli kundi nagapapaalala lamang kasabay ng kaunting ayuda ngayong nasa gitna ng pandemya ang lahat.

Katuwang ng LTO sa nasabing programa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Stradcom.### || slm, with reports from BNFM Legazpi