LTO-12 sa kanilang mga operasyon: Trabaho lang!

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ng Land Transportation Office o LT0-12 na trabaho lang ang kanilang ginagawa sakaling may mahuling mga motorsiklo o sasakyan na walang kaukulang dokumento, kahit ginagamit pa ito sa panahon ng emergency.

Ito ang inihayag ni LTO-12 Regional Director Macario Gonzaga sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Ayon kay Gonzaga, pinatutupad lamang nila ang batas ng patas at walang kinikilingan.

Ngunit may mga konsiderasyon din umano sila lalo na kung ginagamit ang sasakyan sa pagdadala ng agaw-buhay na pasyente sa ospital.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Paalala nito sa mga motorista na bago bumiyahe, siguruhing kompleto ang mga dokumento ng sasakyan at dala ang driver’s license upang hindi maabala sa pupuntahan.