LTFRB – nag-isyu na ng memorandum para sa deadline ng franchise consolidation

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panibagong memorandum circular para sa deadline ng franchise consolidation sa December 31.

Idinetalye sa MC number 2023-052 ang guidelines para sa modernization ng traditional jeepneys.

Sa ilalim nito, paapyagan ang mga unconsolidatied PUV operators na makabiyahe pa rin hanggang January 31, 2024; basta ba’t ang mga rutang kinabibilangan nila ay wala pa ring 60% na mga auuthorized units.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ang LTFRB Board naman ang magtatakda sa mga rutang ito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa hiwalay na panayam, idiniin ni MANIBELA president Mar Valbuena na kahit na magbigay ng mga psecial permits ang Department of Transporation – ‘di nito mapipigilan ang nakaambang transport crisis.

Matatandaaang mayroon pang nasa mahigit-kumulang 30,000 ang mga nananatiling unconsolidated kahit na apat na araw na lang ang natitira para sa deadline.