LTFRB Bicol, patuloy ang paghimok sa drivers at operators na kumuha na ng modern jeep

LEGAZPI CITY – Patuloy ngayon ang paghimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Bicol sa lahat ng mga drivers at operators na kumuha na ng modern jeepneys.

Ayon kay LFTFRB Bicol OIC Regional Director Atty. Paul Vincent V. Austria, kinakailangan na nilang makakuha nito bago magtapos ang taong 2023.

Hindi rin alam ng ahensya kung ano ang mangyayari sa pagtatapos ng taon dahil ang kanilang central office lamang ang mayroong desisyon patungkol dito.

Sa ngayon kasi, kaunti pa lamang ang mga kumuha ng modern jeep na nasa mahigit 100 pa lang.

Tinatayang nasa mahigit 8,000 units ang inaasahan makukuha sa rehiyon.

Kumpyansa si Austria na bago matapos ang taong ito, marami ang mag-aavail ng modern jeep sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *