LRT, papayagan na ang pagsakay ng mga pets simula sa Feb. 1

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na pinapayagan na nila ang mga pets sa LRT-2 trains simula sa Feb. 1, at sinabing nagsasagawa na siya ng pagsasanay ng mga personnel para sa pagpapatupad ng naturang polisiya.

Pero ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, na ang mga pets ay kailangang bakunado at nakasilid sa kulungan upang hindi ito makaistorbo sa ibang mga pasahero.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Maliban dito, mayroon din silang ipapatupad na size restrictions.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Kailangan din umanong malinis at naka-diaper, at ipapatupad nila ang parehong mga alituntunin ng mga pet-friendly na mga establisyemento.

Sa gitna nito, inaasahan na ng pamunuan ang maliit lang na mga problema sa unang linggo ng implementasyon, pero ang kanilang pangunahing layunin ay gawin ang system bilang pet-friendly.