Dating pangulong Duterte, idineklarang “adopted son” ng Pampanga

Idineklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “adopted son” ng lalawigan ng Pampanga.

Sa bisa ito ng inaprobahang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Isinagawa ang pag gawad sa ginanap na Handog Pasasalamat ng mga Kapampangan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Royce Hotel.

Read More:  Unidentified woman found dead inside refrigerator in Rizal

Ayon kay Pampanga Governor Delta Pineda, pasasalamat ito ng Pampanga sa mga programa at proyekto na ibinigay at ginawa sa lalawigan noong panahon ni Duterte.

Read More:  17-year-old student dies after school incident in Bukidnon

Sa mensahe naman ng dating Pangulo, sinabi nitong malaking karangalan para sa kanya ang pagkilala bilang adopted son.