LPTRP nationwide na ipinapatupad ayon sa LTFRB-12

KORONADAL CITY – NATIONWIDE na ipinapatupad ang Local Public Transport Route Plan o LPTRP. Ito ang inihayag ni Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB-12 Regional Director Reynato Padua, Jr. kun sa diin isang component ang route plan sa pangkabuuan na aspeto ng traffic rules and law sa buong bansa.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Ayon kay Padua, ngayon lamang nagkaroon ng involvement ang kaugnay sa ipinapatupad ng route plan para sa mga transport sector sa lungsod ng Koronadal.

Inihalimbawa nito, noong mga panahon na hindi pa mahigpit na ipinapatupad ang mga traffic laws, kaniya-kaniya ang mga operators-initiate ng mga ruta kung saan mayroong maraming pasahero.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Dagdag nito, na dati ring ini-issuehan ng prangkisa ng LTFRB ang nasabing mga operators ngunit hindi komokonek ang kanilang byahe.

Sa pamamagitan umano ng route plan, makakabuo ng Intra, Inter-Regional Route gayundin ang Inter, Intra-Provincial Route sa lungsod ng Koronadal.