3 opisyal ng LCR-Sta Cruz sa Davao del Sur – kakasuhan na dahil sa kuwestiyonableng 1,200 na mga birth certificates sa mga dahuyan

Nakahanda na ang National Bureau of Investigation (NBI) XI na magsampa ng kaso laban sa dalawa hanggang tatlong public officials sa Sta. Cruz, Davao del Sur dahil sa pag-isyu ng mga kuwestiyonableng birth certificate sa mga dayuhan.

Nabatid na ang mga nabanggit na public officials ay nakatalaga sa Sta. Cruz Local Civil Registrar’s office.

Inaasahang sa susunod na buwan isasampa ang kaso, partikular ang paglabag RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at falsification of public documents.

Read More:  NBI names Sen. Padilla person of interest in Sen. Bato search

Ayon kay NBI XI director Arcelito Albao, iniimbestigahan nila ang posibleng pagkakasangkot ng lima hanggang pitong abogado sa rehiyon na nag-notaryo ng mga dokumento.

Tinukoy ni Albao na ang mga birth certificate ay authentic maliban lamang sa mga impormasyon na gawa-gawa o hindi totoo.

Plano ng NBI na kanselahin ang 1,200 pekeng birth certificate na karaniwang ay pag-aari ng mga Chinese NationalS kapag nakakalap na ng mga kinakailangang ebidensya.

Read More:  VP Sara camp ready for Senate impeachment trial

Patuloy na tinutunton ng NBI ang mga fixer na pinaniniwalaang taga-Maynila kaya naman iniimbestigahan na nila ngayon ang lugar mula Davao hanggang Pampanga.

Nalaman din ng NBI na bawat dayuhan ay nagbayad ng P300,000 para lang makakuha ng birth certificate.

Kabilang din sa mga minomonitor ng NBI ang tanggapan ng iba pang local civil registrars sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. (with reports from EMMAN DELA PAEÑA – 93.1 BNFM DAVAO)