LPA, magdadala ng kalat-kalat na ulan, thunderstorms sa NCR, 9 areas

Inaasahang magdadala ang low pressure area (LPA) ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila at siyam na iba pang lugar.

Ayon sa Pagasa, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Zambales, at Bataan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nagbabala naman ang weather bureau laban sa posibleng flash floods o landslides kapag katamtaman hanggang sa malakas na ulan.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Batay sa huling forecast, huling namataan ang LPA sa 130 kilometers east-northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang maaring umiral sa ibang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. //MHEL PACIA-TRINIDAD