3,604 new COVID-19 cases; Active cases bumaba sa 46k

Tumaas ang total tall sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 sa 1,481,660, matapos makumpirma ang 3,604 na mga bagong infections.

Ito ang pinakamababang daily infections na naitala simula noong May 23.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa pitong laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Kaugnay nito, bumaba ang bilang ng active cases sa 46,934, na siya ring pinakamababa simula noong May 26, kung saan 89.6% ang mild, 4.3% ang asymptomatic, 2.6% ang severe, at 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ayon sa Department of Health (DOH), naitala naman ang total recoveries sa 1,408,634 matapos gumaling ang 5,840 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang 77 ang naitalang bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 26,092. // MHEL PACIA-TRINIDAD