Bong Go, pinuri ang pagtaas ng vaccine confidence ng mga Pilipinos

Pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang patuloy na vaccination efforts ng gobyerno, sa gitna ng tumataas na kumpiyansa ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Go, napansin niya sa kanyang mga pagbisita sa buong bansa na maraming Pilipino na gustong mabakunahan laban sa COVID-19.

“Ako naman po, sa kakaikot ko sa buong bansa, nakita ko na tumaas na po ang tiwala ng taumbayan sa pagbabakuna. Kung noon po pinapataas ko sila ng kamay less than 20 percent (lang ang nagtaas at willing magpabakuna), ngayon po, umaabot na po sa 50 percent ang nagtataas ng kamay,” giit ni

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

“Ibig sabihin, marami na pong nagtitiwala sa bakuna,” dagdag nito.

Batay sa Pulse Asia survey na isinagawa mula June 7 hanggang 16, nabunyag na 43% ng mga Filipino ay gusto nang magpabakuna ngayon laban sa COVID-19, na isang malaking increase mula sa 16% noong Pebrero.

Dahil dito, patuloy ang apela ng senador sa mga indibidwal na prayuridad ngayon sa vaccination na huwag sayangin ang ang pagkakataon na maprotektahan sa pamamagitan ng pagpapabakuna, kasabay ng pag-gigiit na ito ay ligtas, epektibo at batay sa good science.

“Disiplina at kooperasyon at huwag muna kayo maging kumpyansa. Habang nagbabakuna, please lang mask pa rin, face shield, social distancing at hugas ng kamay,” paalala ng senador.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

“There is light at the end of the tunnel. Tingnan niyo po sa ibang bansa, ‘yung mga mahilig sa basketball, nakakapaglaro na sila ng basketball doon. Nakakapanood na sila ng basketball. Tayo rito, medyo nahuhuli tayo. Magbubukas na rin po ang PBA ngayong July 16 pero wala pang audience. Punto ko rito, hindi na po tayo nalalayo ‘pag magpabakuna na po kayo. Tinanong ko kung anong requirements nila doon, ‘pag bakunado ka, pwede ka nang manood,” saad pa nito.