LPA, easterlies magdadala ng ulan sa Mindanao, E. Visayas areas

Asahang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang low-pressure area (LPA), o ang dating Tropical Depression Crising, at ang easterlies sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.

Ayon sa Pagasa, ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Eastern Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, SOCCSKSARGEN, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Babala ng PAGASA, posible ang flash floods o landslides sa panahon ng katamtaman o malakas ang ulan.

Sa huling forecast ng weather bureau, huling namataan ang LPA sa Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, habang patuloy itong kumikilos pawest-northwestward.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Easterlies.