Lowest daily count: PH nagtala ng 5,683 new COVID-19 cases

Nagtala ang Pilipinas ng 5,683 na mga bagong kaso ng COVID-19, na siyang pinakamababang bilang mula noong March 18, nang maitala ang 5,290 na bagong infections.

Ayon sa Department of Department of Health, hindi kasama sa datos ang resulta mula sa 21 laboratories.

Dahil dito, nasa 1,067,892 na ang kabuoang bilang ng infections kung saan 6.2% o 66,060 ang mga active cases.

Kaugnay nito, tumaas rin ang death toll sa 17,622 o 1.65% ng case tally, matapos masawi ang 97 karagdagang pasyente, habang 9,028 na iba pa ang gumaling, dahilan para umakyat ang total recoveries sa 984,210 o halos 92.2% ng case count. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *