Lovi Poe, magbabakasyon sa Europe matapos ianunsyo ang engagement

Nagpaalam ang aktres na si Lovi Poe sa produksyon na kinabibilangan nitong serye na FPJ’s Batang Quiapo na pansamantala muna itong magbabakasyon sa buong buwan ng Agosto.

Dahil dito, kinunan na nang advance ang mga eksena ni Lovi na ayon sa mga crew, ise-stretch na lamang ang mga eksena habang hindi pa ito nakakabalik sa taping.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Palaisipan namang kung matatagalan ba ito dahil may mga haka-hakang ikakasal na raw ang aktres sa Europa dahil kung matatandaan, inanunsyo nitong matagal na silang engaged ng kanyang fiancé na si Monty Blencowe.

Read More:  Baby Dolls’ Juby Sabino draws backlash from Donny Pangilinan fans over intimate dream remarks

Sa ngayon, hindi pa klaro sa karamihan kung anong mangyayare sa karakter ni Lovi na si “Mokang”, lalo na’t may mga bagong artistang papasok sa seryeng kinabibilangan nito.