2 American sex offereders, magkahiwalay na naharang sa mga paliparan sa bansa

Naharang ng Bureau of Immigration ang 2 na naman dayuhang pedophiles sa Paliparan sa Metro Manila at Cebu.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang mga dayuhan na sina Danny Albera Rodrigues, 52, na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong June 17, at si Kenneth Allen Roedell, 72, na dinenay ang entry sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) noong Hunyo 10.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ang dalawang pedophile ay mga registered sex offenders at itinuturing na excludable aliens.

Nabatid na noong 2003 nahatulan si rodriguez ng 2 counts ng sexual assault kung saan ang mga biktima ay wala pang 14 na taong gulang.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Samantala, si Roedell ay nahatulan noong 2004 dahil sa sexual molesting sa isang 12-taong gulang na biktima.

Ang patuloy na pagbabawal sa mga sex offenders, ayon kay Tansingco, ay bahagi ng kampanyang #Shieldkids ng BI, na naglalayong hanapin, arestuhin, at palayasin ang mga sexual predators na target ay ang mga batang Pilipino.