Ikaw ba ay matalas ang mata pagdating sa mga maling grammar?
Nag-iinit din ba ang ulo mo kapag hindi naka-capital ang mga letrang dapat naka-capital.
Baka kagaya ka na ni Ate – kasi pati ba naman ang love note ng kanyang naiibig ay kinorrect niya pa.
Kaya imbis na maging nakakakilig ang regalo ni Onin Galenzoga sa kanyang asawa na si Pam, tila naging test paper pa ang sweet letter.
Kinaaliwan ng netizens ang post ni Onin na may caption na “yung nagregalo ako pero ako pa rin ang mali.”
Paliwanag ng mister, limitado lang ang characters na pwede ko ma-input sa message kaya napilitan itong paikliin ang spelling ng mga words.
#