London nalubog sa baha dahil sa sama ng panahon

Mistulang ginulat ng climate change ang London makaraang malubog sa baha at ma-estranded ang mga sasakyan sa mga kalsada at mga tren.

Kinumpirma ng London Fire Brigade na umabot sa mahigit 1,000 emergency calls na may kinalaman sa pagbaha ang kanilang natanggap na humihingi ng rescue.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon sa ilang expert, patunay ito na maging ang mga pinakamayayamang lungsod sa mundo gaya ng London ay hindi pa rin handa sa mga extreme weather na nagiging common na dahil sa climate change.

Inihayag ng ilang professor sa Department of Geography and Environmental Science sa University of Reading na nakakabahala ang pagsasara ng mga emergency departments dahil sa pagbaha.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Inihayag naman ng Greater London Authority na 17% ng Londo ang nahaharap sa high o medium risk ng pagbaha.

Napag-alamang mayroong higanteng flood defense system sa Thames river pero hindi nito mapigilan ang mga flash flooding na dulot ng malalakas na pag-ulan.