Camarines Norte State College Surveying Team, bumisita sa Punong bayan ng Capalonga kaugnay sa itatayong CNSC Satellite Campus

CAMARINES NORTE- Bumisita ang Camarines Norte State College Surveying Team sa tanggapan ng Punong bayan ng Capalonga.

Ito ay kaugnay sa itatayong pampublikong satellite Campus ng Camarines Norte State College sa nasabing bayan

Binanggit naman ng Punong bayan ng Capalonga na sasagutin lahat ng lokal na pamahalaan ang kinakailangang pondo para sa nasabing itatayong kolehiyo.

Read More:  Seven people swept away by flash floods in Davao Occidental

Matatandaan, Agosto noong nakaraang taon ng makipagpulong ang punong bayan ng Capalonga kay Camarines Norte State College President, Dr. Marlo Dela Cruz kasama ang Vice President for Academic Affairs at ang Dean ng College of Education upang pag-usapan ang panukalang pagtatayo ng CNSC Satellite Campus sa nasabing bayan.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Binisita rin nila ang Evacuation Center sa Brgy. Mataque na maaaring magamit na pansamantalang paaralan habang itinatayo ang gusaling ilalaan para sa nasabing paaralang pangkoleheyo.

Marami umanong umaasa lalo na ang mga magulang at mga mag-aaral na magbubukas ang pampublikong kolehiyo sa darating na taong panuruan.