Nakuha ng Representante ng Unang Distrito na si Congw Dette Escudero ang pangatlong puwesto sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Ang RPMD na isang independent at non-commissioned na organisasyon, ay nagpalabas ng kanilang taunang rating at survey para sa nangungunang miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan na isinagawa noong Nobyembre hanggang Disyembre.
Maliban kay Escudero ay nakuha din nina Representatives Tsuyoshi ‘Hori’ Horibata ng Camarines Sur, 1st District at Miguel Luis Villafuerte, Camarines Sur, 5th District ang pangatlong puwesto o rating na 86%.
Nagpasalamat naman si Escudero sa ibinigay sa kanya na tiwala at suporta.
Nangako itong magtatrabaho para sa ikauunlad ng Unang Distrito.
