CAMARINES SUR- Patay ang isang 79-anyos na lolo matapos na matupok ng apoy ang kaniyang bahay sa Manguiring Calabanga, Camarines Sur.
Nangyari ito sa Zone 2 partikular na sa Ipo Compound mag-aaalas sinco ng umaga nitong Lunes , Feb. 28, 2022 isang araw bago ang fire prevention month.
Inihayag sa BNFM Naga ni Municipal Fire Marshal SINSP Jeremias Mota Jr. hindi nila naapula kaagad ang sunog dahil hindi kaagad nakarating sa kanila ang impormasyon, ayon sa mga residente sa lugar wala kasing network signal. Nagbayanihan ang mga kasama sa compound , may jetmatic pump sana malapit sa bahay subalit maging ito ay napakainit na. Hindi nakalabas ang lolong nag -iisa lamang sa buhay si na si Rosalio Ipo.
Sa imbestigasyon ng BFP, ugali ng Lolo na magkape tuwing umaga , tinggan at pakainin ang kaniyang mga manok. Narekober ang tasang pinagkapehan sa labas, ibig sabihin dati nang nasa labas ng bahay ang lolo, nang magkasunog pumasok muli dahil posibleng may kukuning pera sa kwarto. May naibigay kasing ayuda ang LGU Calabanga para sa mga senior citizen, sa kasamaang palad hindi na ito nakalabas. Nakita ang bangkay malapit na sa pinto ngunit possible aniyang na suffocate na ang biktima kaya hindi na natakasan pa ang lumalagablab na apoy.
P45K ang halaga ng danyos sa lumang bahay, wala namang mga gamit na de kuryente ang matanda. Gasera ang gamit nitong ilaw ay kahoy sa pagluluto.
Kaunti man ang pinsala, ikinalulungkot naman ng BFP na mag buhay na nawala.