Lolo na nagduduyan lamang, pinagbabaril; suspek, arestado

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang ang isang lalaki matapos nitong pagbabaralin ang isang lolo sa Barangay Bagumbayan, Tuao, Cagayan.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, naaresto ang suspek sa pamamagitan ng isinagawang hot pursuit operation ng mga otoridad sa Brgy. Babalag, Rizal, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si alyas Dante, residente ng Lallayug, Tuao, Cagayan habang ang biktima ay si alyas Jake, 70-anyos at residente ng Centro 1 sa naturang bayan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Una rito, nagduduyan lamang umano ang biktima nang dumating ang suspek at bigla itong binaril sa mukha kung saan natamaan ang itaas na bahagi ng labi ng biktima.

Nang maisagawa ng suspek ang krimen ay agad itong tumakas sa patimog na direksiyon sakay ang isang motorsiklo.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Agad naman naisugod sa pagamutan ang biktima na ngayo’y nasa intensive care unit pa rin ng CVMC.

Naaresto ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang source na nagtatago umano ito sa Babalag Rizal Kalinga.

Maayos namang isinuko ng suspek ang sarili sa Tuao Police Station kung saan sya ngayon nakakustodiya para sa karagdagang dokumentasyon.