Binatang taga-Labo huli sa akto ng pagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga kapulisan

CAMARINES NORTE- Huli sa akto ng pagbebenta ng hinihinalang iligal na droga ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation na pinagsanib pwersa ng mga otoridad sa P-1 Brgy. Exciban, Labo, Camarines Norte.

Ang binatang target ng operasyon ay kinilala sa alyas na “Dan”, 31, at residente ng nabanggit na lugar

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Inaresto ang nasambit na personahe matapos na positibong mabilhan ito ng umaktong poseur buyer ng isang maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang iligal na droga kapalit ng limandaang piso (Php 500.00) na ginamit bilang marked money.

Matapos maaresto ay isinagawa ang body search sa suspek at nakuha pa rito ang tatlong piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang mga nakuhang iligal na droga ay tinatayang umaabot sa Php 3,000.00 na may kabuuang timbang na 0.0423 gramo.

Samantala, inihahanda na ng mga imbestigador ng  Labo MPS ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan.