Lolo na may kinakaharap na kaso, huli sa Operation Manhunt Charlie

SORSOGON CITY – Tuluyan nang naaresto ng Sorsogon City PNP ang 64-anyos na lolo matapos na hainan ito ng kanyang arrest order sa Km 14, Brgy san isidro, West District, Sorsogon City.

Dakong ala 1:50 ng Pebrero 25 nang arestuhin ng mga awtoridad si Ricardo Jamisola Marbella, may asawa at naninirahan sa Sitio Tinampo, Brgy Rizal ng parehong distrito.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang warrant of arrest sa kasong Homicide ay ibinaba ng Br 53 ng RTC 5th Judicial Region na may itnakdang piyansa na aabot sa P120,000.00 para sa kanyang temporaryong kalayaan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nasa kustudiya na ito ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon.