Lolo at 2 apo nito, patay sa sunog sa Rizal

Binawian ng buhay ang isang Lolo na 70-anyos at dalawa nitong apo matapos ang nangyaring sunog sa kanilang bahay sa Barangay San Gabriel Teresa, Rizal.

Ayon sa Teresa PNP, nang humupa ang apoy ay nakita nila ang tatlong bangkay na magkakamag-anak sa ikalawang palabag ng bahay.

Lumabas naman sa imbestigasyon na posibleng eletrical wiring sa bahay ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang nadamay o ibang bahay ang nasunog sa naturang insidente.