Babae, patay matapos makuryente sa Butuan City

Nasawi ang isang babae matapos itong makuryente habang namimitas lamang ng mangga sa Butuan City.

Ayon sa saksi, ang biktima ay nakaupo sa sanga ng puno nang dumikit sa kawad ng kuryente ang panungkit nito.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Agad na rumesponde ang mga otoridad ngunit kinakailangan pang gumamit ng boom truck para maibaba ang katawan nito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nagtamo ng lapnos at paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima kung saan idineklarang dead on arrival na ito sa ospital.