Posibleng natagpuan na lokasyon ng nawawalang Cessna 152 training plane na may tail number na RP-C8598.
Ayon kay Apayao Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Jeoffrey Borromeo, natagpuan na ang crash site ng Cessna 152 ngayong araw sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, sa Apayao.
Samantala, binawi naman ng Apayao PDRRMO ang unang ulat na natagpuan na ang dalawang sakay nito na wala nang buhay.
Sa 07:00PM update mula sa Cagayan Public Information Office, sinabi nitong hindi pa rin natagpuan ang mga sakay ng aircraft na sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo at student pilot na si Anshum Rajkumar Konda na isang Indian national.
Tuluy-tuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa sanhi ng insidente.
#