2024 NEP, ipapasa ng HOR bago ang October session break – Romualdez

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na maipapasa ng Kamara ang Proposed 2024 National Budget na nagkakahalaga ng P5.768Trillion bago ang congressional break sa Oktubre.

Ayon kay Romualdez, makasisiguro si Pangulong Bongbong Marcos na maaaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang version nila ng Budget sa lalong madaling panahon.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ibig-sabihin, maiiwasan na ang reenacted budget para sa taong 2024 dahil ‘on-time’ nila itong maipapasa.

Kung maaalala, kanina nga nang pormal nang matanggap ng Kamara ang National Expenditure Program (NEP) mula sa Department of Budget and Management (DBM)

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Nauna nang sinabi ng DBM na ang panukalang budget para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng mahigit 5.7 trillion pesos, 9.5% itong mas mataas kesa sa sa FY 2023 General Appropriations Act at katumbas ng 21.7% ng gross domestic product o GDP ng bansa.
#