Lockdown sa Kamara, magsisimula na sa Huwebes para sa SONA

Inanunsyo ng House of Representatives na mag-uumpisa na ang lockdown sa Kamara sa Huwebes bilang bahagi ng preparasyon sa paparating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Ibinahagi ni House Secretary General Reginald Velasco na 95% na silang handa para sa SONA.

Siniguro ni Velasco na sa kabila ng lockdown ay maaari pa ring ma-access ng media ang area na isasarado kung kinakailangan.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Mababatid na karaniwang inaabot sa tatlo o apat na araw ang lockdown sa Kamara na kabilang sa standard operating procedure (SOP).