Ikalawang araw ng pamamahagi ng educational assistance, kasado na sa mga LGUs simula bukas

Simula bukas ay lalarga na ang bagong istilo ng payout system para sa mga claimants ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development.

Matatandaang kamakalawa nang lagdaan ng DSWD at ng DILG ang isang memorandum of agreement na layong ibaba na sa mga LGUs ang ditribusyon ng naturang aid matapos maging ‘chaotic’ ang unang araw nito dahil sa pagdagsa ng mga claimants sa mga tanggapan ng DSWD.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Bukas, ikalawang Sabado na ng distribution nito kung saan ay hindi na papayagan ang mga walk-ins at kinakailangan nang magkaroon na muna ng online registration.

Kaugnay nito, nagpbabala ang DSWD-NCR laban sa mga fake news hinggil sa naturang educational assistance.

Read More:  VP Sara keeps former President Duterte away from impeachment discussions

Sa pahayag, pianiiwas ang publiko sa mga maling impormasyon na kumakalat sa social media.

Paalala nito, makinig lamang sa mga opisyal na pahayag mula sa tanggapan para hindi na magkalituhan pa sa processing ng financial aid sa mga learners.
#