Local Tax Collection sa Naga City tumataas taun-taon ng hanggang 8%

NAGA CITY – Kinumpirma ni Frank Mendoza, Budget Officer ng Naga City na palagi namang tumataas ang local tax collection taun-taon mula ng mawala na ang COVID-19, na bumagsak ng masyado ang buwis sa lungsod dahil sa masamang epekto nito sa pagne-negosyo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Mendoza, sinabi nitong nakakabawi na ang City Government dahil sa patuloy na pagdatingan ng mga national investors at maging ng mga local, laging puno ang mga food chains, ang mga hotels at ang mga terminal, sila ang umaakyat ng malaking pondo sa lungsod.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa kanya, sa ngayon walang mababago sa buwis dahil sa maraming dapat na isaalang-alang sa usaping ito na dapat parehong mabebenipisyo ang mga negosyante at publiko na siyang nakikinabang sa pamamagitan ng mga programang ipinapatupad ng local na pamahalaan.