Sinibak na sa puwesto ang hepe ng pulisya ng San Juan, Batangas at walo pa nitong kasamahan dahil sa pagkamatay ng isang drug suspect sa isinagawang operasyon noong May 28 sa Barangay Lipahan.
Si Police Lt. Col. Jesus Lintag ay ni-relieve at pinalitan ni Police Lt. Col. Rommel Sorbido bilang officer-in-charge habang ang walong pulis ay inilipat sa Provincial Personnel Holding Center sa Batangas City.
Tiniyak naman ni Police Regional Office 4-A chief Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na pananagutin niya ang mga sangkot na pulis sa oras na mapatunayan na lumabag ang mga ito sa standard operating procedures at nakagawa ng mga iregularidad sa pagganap ng tungkulin.
Matatandaang napatay ang biktimang si Bryan Laresma nang makipag barilan sa mga pulis dahil naramdaman nito na nakikipagtransaksyon siya sa isang police poseur buyer.