Babaeng miyembro ng NPA, timbog sa Cagayan

Arestado ang isang babae na miyembro ng Squad Tres, Platoon Dimun ng Danilo Ben Command, Northern Front kahapon sa Buguey, Cagayan. Kinilala ang dinakip na si alyas Mineth, 36-anyos, may asawa at residente ng nasabing bayan.

Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest ng pinagsanib na puwersa ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Gonzaga Police Station, Gonzaga Maritime Law Enforcement Team, at Marine Battalion Landing Team 10 dahil sa kasong attempted murder.

Pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P120, 000.|#BrigadaNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *