Liza Soberano at Julia Barreto, in-unfollow si Kathryn Bernardo

Inalis na nina Liza Soberano at Julia Barreto sa kanilang Instagram following list ang kapwa nila aktres na si Kathryn Bernardo matapos mapansin ng ilang mapanuring netizens.

Nangyari ito makalipas ang halos limang buwan nang i-unfollow ni Kathryn sina Liza at Julia sa kasagsagan ng hiwalayan ni Kathryn at ng long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Halu-halong espekulasyon tuloy ang nagsusulputan na, diumano, may kinalaman sina Liza at Julia sa naging dahilan ng pagwawakas ng labing-isang taong relasyon nina Kathryn at Daniel.

Si Kathryn ang unang nag-unfollow kina Liza at Julia sa hindi pa malamang dahilan. (Jaztine Cruz– Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *