LEGAZPI CITY – Isinagawa sa ilang mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay ang mga bagong hanay ng livelihood trainings sa mga evacuees ng Bulkang Mayon.
Ang batch na ito ng mga evacuees ay ang mga internally displaced persons (IDPs) ay nakikibahagi sa skills transfer program ng LGU-Camalig, bilang innovative response nito sa pagbibigay ng profitable opportunities sa mga residenteng apektado ng nasabing Bulkan sa panahon ng displacement period ng mga ito.
Sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Camarines Sur Institute of Fisheries and Marine Sciences (CASIFMAS) mula Pasacao, Camarines Sur, may kabuuang 26 na training-beneficiaries mula sa Brgy. Quirangay ang lumahok sa food processing training para sa Longganisa Making at Bangus Deboning na ginanap sa Bariw evacuation center.
Kung matatandaan, ayon kay Camalig Local Chief Executive, Carlos “Caloy” Irwin G. Baldo, Jr. ang Livelihood Cluster na ito ay upang ipatupad ang mga makabagong estratehiya na maaaring isulong ang kapakanan ng mga bakwit ng Mayon.
Ito alinsunod sa mandato ni Baldo na bumuo ng mga IDP na maaaring sanayin sa bokasyonal para magkaroon ng kadalubhasaan sa partikular na career domains para sa mga probable business ventures.
Ang inisyatiba na ito ng LGU-Camalig ay nagpapakita na ang pangunahing layunin nito ay mabigyan ang mga IDP/bakwit ng sapat na pagsasanay sa kabuhayan at makapagsimula ng isang negosyo.