Live-in partner, huli sa entrapment ops ng CIDG Palawan

Huli sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG Pal) ang mag live- in partner na sina Zacharias delos Santos at Marilou Dote sa isang Mall sa Puerto Princesa gabi ng Miyerkules, May 26, 2022.

Ayon sa isa sa limang complainant, una nilang inireklamo ang dalawa matapos na magbenta umano ng lote sa isang ginagawang subdivision sa Barangay Tagburos sa lungsod.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Sa entrapment operation ay mayroong nagpanggap na muling bibili ng lote sa subdivision na dine-develop umanoni Zacharias kaya agad silang inaresto at nahaharap ngayon sa kasong estafa.

Sinabi ng isang complainant na nagbayad siya noon kay Zacharias ng halagang 140, 000Php pero natuklasan nilang ilegal ang negosyo nito kaya nagdesisyon silang dumulog sa pulisya.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

“Hindi approve ang subdivision plan niya at hindi siya lisensyadong developer. Nagbayad ako noon sa kanya ng 140k pero ilegal pala lahat.” – ayon sa isang complainant

Samantala, sinikap ng Brigada na makuha ang paliwanag ng mga suspek subalit hindi ito nagpaunlak ng panayam.