Sinimulan nang turukan ng 2nd booster shots ang mga kawani ng James L. Gordon Memorial Hospital o JLGMH.
Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Department of Health na unang maturukan ng booster ang mga health workers.
Ang pagbabakuna ay isinagawa kahapon para sa mga kwalipikadong maturukan base sa physical at health condition assessment sa mga ito.
Matatandaan, alinsunod sa guidelines kabilang sa mga maaari ng turukan ng 2nd booster shot ay ang mga immunocompromised individuals, healthcare workers at senior citizens.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
