Iligal na koneksyon ng tubig, pinagtatanggal ng tauhan ng Castilla Water System

SORSOGON CITY – Natuldukan na ang maling gawain ng ilang member consumers sa ilang barangay sa nasambit na bayan matapos na tanggalin na ang kanilang iligal na koneksyon ng tubig ng mga tauhan ng Castilla Water System (CWS).

Kasama ang ilang personahe ng Castilla PNP bilang security, ay personal na tinungo ng mga tauhan ng water system, ang lugar ng mga violators at pinagtatanggal ang iligal na koneksyon ng tubig na mahigpit na ipinagbabawal ng CWS.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News, tatlong pagkakataon na umano ang ibinigay sa ilang consumers upang maitama ang kanilang maling gawain, subalit hindi pa rin tumigil ang mga ito, kung kaya’t ikinasa ng CWS ang operasyon ng pagtatanggal sa mga iligal na koneksyon ng tubig.

Hakbang umano ito upang mas marami pa ang maserbisyuhan ng tubig at upang maging patas sa mga tapat sa pagbabayad ng kanilang konsumo at sumusunod sa patakaran ng CWS.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Ang nasabing mga violators ay natuklasang ay makailang ulit na iligal na ikinakabit ang kanilang mga hose at tubo ng walang metro at walang pahintulot mula sa mga kinauukulan kahit  pinutulan na ng koneksyon dahil sa mahigit ilang taong hindi pagbabayad sa kanilang konsumo.