Listahan ng mga non-poor beneficiaries ng 4Ps natapos na ng DSWD

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development na tapos na ang pag-aaral sa listahan ng mga non-poor beneficiaries ng 4Ps.

Mahigit 700,000 pamilyang benepisyaryo ng 4Ps ang mananatili sa programa.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ito ay kahit una na silang nabilang na non-poor beneficiaries o ‘yong mga kwalipikado nang magtapos sa programa.

Ayon sa DSWD, na lumabas sa pag-aaral na marami pa rin sa kanila ang hindi pa nakakaahon mula sa kahirapan kaya napabilang pa rin sila sa mga bibigyan ng cash aid program.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Samantala, nagbabala naman ang ahensya sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election na huwag gamitin ang 4Ps bilang pangako sa kampanya.