Batangas City – Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development o DSWD CALABARZON ng validation, hinggil sa listahan ng mga bagong senior citizen sa bayan ng Lobo, Batangas.
Alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 04 Series 2019 at Standard Operating Procedures ng Social Pension Program.
Nakasaad dito na ang DSWD ay magsasagawa ng validation gamit ang Social Pension Beneficiary Update Form, upang matukoy kung ang mga nakatalang Senior Citizen ay kwalipikado sa kanilang mga programa.
Dinaluhan ito ng nasa tatlong daan at pitumpu’t apat na mga bagong senior citizen, na mula sa dalawampu’t anim na mga barangay sa Lobo.
Naging matagumpay ang naurang validation sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO at sa pakikipagtulungan ng mga Senior Citizen president’s ng kada barangay.